MACARTHUR ni Bob Ong

MCARTR

Paano ko ba uumpisahan itong pagsusuri ko sa aklat na ito, kapag kasi nakikita ko itong librong ito sa bookstore lage ako napapatingin dito na para bang nagsasabing basahin mo ako, saka ang cute din talaga ng kulay – pula, eh wala pa akong ideya na si Bob Ong ang sumulat nito – ulit, eh kasi nga nakakalimutan ko nang lapitan itong libro na ito pagkatapos kong maglibot sa bookstore at magbayad sa cashier. Tapos si Goodreads lang pala yung mas makakapagyugyog sa akin na basahin si MACARTHUR na isinulat pala talaga ni Bob Ong. Na wala akong kaalam-alam na maloloka pala ako sa librong ito. As in Naloka ako na bonggang bongga.

Ang librong ito ay Rated SPG. Striktong patnubay at gabay ng magulang ay Kailangan. May maseselang tema, eksenang karahasan, droga, lenggwahe, at katatakutang maaring hindi angkop para sa mga batang magbabasa 

huh??bakit??…
MACARTHUR, ay ang librong naglalaman ng napakaraming mura, mga bisyong katulad ng droga at alak, idagdag ko pa po ang korapsyon ng isang pulis, at ang pagnanakaw ng isang estudyante sa kanya mismong pamilya. Ngunit, subalit, datapwat, ang librong ito na isinulat ni Bob Ong ay may aral na tatagos sa puso ng isang mambabasa – may kapupulutang aral – at naglalaman ng tungkol sa pagkakaibigan. Dito ko nakilala ang ibat-ibang uri ng karakter, ang apat na magkakaibigan na my ibat-ibang pinagdadaanan sa buhay, ibat-ibang hamon sa buhay na pilit nilang hinaharap sa ibat-ibang paraan, at napansin ko na lang na ang mga nararanasan o ginagawa ng bawat karakter sa istoryang ito ay siyang nararanasan at ginagawa din ng ilang mga tao hindi lang sa ating bansa kung hindi pati na rin sa ibang mga bansa. Si Bob Ong ay muling gumawa ng isang libro na hango sa tunay na buhay – sa pagkakataong ito hindi lang sa buhay ng mga Pilipino kungdi pati na rin sa buhay ng bawat tao sa mundo, tinalakay niya ang ibat-ibang aspeto ng buhay (ng mga nalululong sa droga, buhay ng mga kabataan, at ng kahirapan sa buhay ng mga mamamayan). MACARTHUR – hindi ba siya yung nagsabi ng katagang “I Shall Return”?.., opo siya nga, pero hindi po niya ito istorya, talambuhay o kasaysayan. Bagkus ito po ay tungkol sa sinabi niya. Ang buhay po ng ating bida ay may kinalaman dito, ang ating bida ay hindi perpekto, siya ay gumawa ng mga mali sa buhay, naligaw ng landas na ikinalungkot ng kanyang pamilya, at sa bandang huli siya ay nagdesisyong bumalik sa kanyang pamilya, at sa kabila ng lahat ng ginawa niya ay buong pusong tinanggap siya ng mga ito – at yan po ay tumutukoy sa salitang “I Shall Return” .
Sa isang banda, ang librong ito ay pagiisipin ang kanyang mga mambabasa, at muli mapapasambit ka ng tama nga naman, ang ating pamilya lang talaga yung kaya tayong tanggapin kahit pa ikaw ang pinakamasamang tao sa buong mundo, yung talagang ibang iba silang magmahal, grabe no. Ang galing talaga nitong si Bob Ong, matapang niyang isinulat itong napakasensitibong librong ito. Para sa lahat maliban sa mga bata.

Dalawang dekada ka lang mag-aaral. Kung di mo pagtitiyagaan, anak, limang dekada ng kahirapan ang kapalit. Sobrang lugi. Kung alam lang iyon ng mga kabataan, sa pananaw ko e walang gugustuhing umiwas sa eskwela.

5 bituin sa librong ito.

Advertisements

Stainless Longganisa ni Bob Ong

stainless-longganisa

Grabe talaga itong si Bob Ong, hindi man siya kilala ng lahat kung sino ba talaga siya pero yung mga nakakabasa ng kanyang mga isinulat na libro eh talagang may mga natututunan at yung iba nagkakaroon ng dahilan para pag-isipan ang mga bagay pagdating sa usaping pampulitika, pang-edukasyon, paniniwalang pang relihiyon, at ngayon sa nabasa kong ito ay tungkol naman sa pagsusulat ng aklat – mga libro – at pagpapublish nito (ibig sabihin napapa ilalim pa din siya ng edukasyon, tama po ba?)
Ang “Stainless Longganisa“, ito po at tumatalakay sa kahalagahan ng pagbabasa, pag-abot ng mga pangarap, at tamang paraan ng pagsusulat. Dito ipinahayag ni Bob Ong kung paano siya nagsimula bilang isang manunulat, kung anu-ano ang kanyang mga pinagdaanan bago siya naging isang kilalang manunulat dito sa Pilipinas. Dito ay muli niyang binatukan at maaring nasampal ng kanyang mga salita ang mga mambabasa ng aklat na ito (syempre isa na ako doon). Ang mga mambabasa ay maaaring tinaman dito sa kanyang tinuran, yung tungkol sa pangongolekta ng libro (lalo na yung mahilig bumili ng libro sa mga Booksales), pero itatambak lang natin sa ating book shelves at hindi naman babasahin – hindi daw libro ang kinokolekta natin kung hindi mga papel at tinta. Muli ipinaliwanag niya kung sino siya sa librong ito (katulad nalang din ng ginagawa niyang pag singit sa manaka-naka impormasyon ng kanyang buhay sa kanyang mga naunang aklat), siya ay nagsimulang magsulat dahil sa isang blog (Bobong pinoy – pero wala na ang blog na ito sa ngayon). Isama ko na ding pang eengganyo niya sa mga mambabasa na may kagustuhang sumulat, sabi niya maari din naman magsimula sa pagpapadala ng iyong mga artikulo sa mga pahayagan o kaya maaari kang mag-ambag ng iyong ideya ng libre sa mga magasin (lalo na kung nag-iipon ka pa talaga ng lakas ng loob para sumulat ng isang aklat).Hindi pa din talaga kumupas yung paraan niya na patawanin ang bawat mambabasa ng kanyang libro, at binigyan niya ulit ng panibagong kaalaman at panghihikayat na sumulat ang isang tao. Maaring hindi nga madali ang buhay bilang isang manunulat dahil na din sa kailangan ng maging matatag ka at maging matapang sa hamon bilang isang manunulat, andyan yung kailangan isaalang-alang ng manunulat yung bawat salitang binibitawan niya, yung talagang may matututunan ang kanyang mambabasa. Kailangan ng tapang sapagkat sa bawat isinusulat nila dito ay nakapaloob ang kanilang personal na opinyon, damdamin at yung puso upang maging epektibong manunulat, at ng sa gayon maramdaman ng mambabasa yung emosyong inilagay ng isang manunulat sa kanilang libro. Hindi lang din naman yung manunulat lang ang hinikayat niya, hinikayat niya ding magbasa ang mga tao, sabi nga niya kung meron kang kaibigan o kakilala hikayatin mo silang magkaroon ng kahit na isang paboritong libro sa buong buhay nila. Dahil wala ng mas nakakaawa pa sa mga taong literado pero hindi nagbabasa (dahil may karne sa loob ng bungo ng isang tao na kailangan ng sustansiya). Para sa gustong magsulat, isa ng manunulat, nagsusubok sumulat, at para sa marurunong ng sumulat, para din sa mga mahilig magbasa at marunong ng magbasa..

Hindi ako hihingi ng dispensa sa mga nabulabog kong konsensya. Kung nasira ko man ang araw mo, o kung hindi mo ito inkinatuwa, malinaw na hindi ako ang tipo ng manunulat na gusto mong basahin. Pero hindi ito nangangahulugan ng pagkakakumpiska ng ballpen at lisensya ko para magsulat.”
PERO
Kung may magsasabi man sa hinaharap na: “sana nagpatawa ka na lang!” yun ay opinyong handa kong tanggapin.

4 na bituin sa librong ito.

Bakit Baliktad Magbasa Ng Libro Ang Mga Pilipino? (Mga Kwentong Barbero ni Bob Ong)

bbmnlamp

Nasa isang bookstore ako nang mamataan ko ang isang librong kulay dilaw na may na nakakatuwang kober ang totoo alam ko naman na si Bob Ong ang sumulat ng hawak kong libro kasi nakita ko na itong binabasa ng tropa ko noong nasa kolehiyo pa ako sa pagkakaalala ko nahiram ko yun at binasa ko din, yun nga lang napaka tagal na non, at sa aking pag iikot sa bookstore, napagkatuwaan ko lang din siyang buklatin ulit, ang nakakatuwa, may isang bata ang lumapit sa aki sabay sabing “ate, baligtad po yung libro mo po.” natawa ako sa tinuran niya, at ipapaliwanag ko sana sa kanya na talagang baligtad ang kober pero hindi ang binabasa ko, kaso dumating ang kanyang mommy para magbayad na sila sa cashier.

Ang librong ito ay tungkol sa Pilipinas at sa mga mamamayan nito (at kabilang ako dito). Kung meron ka ng na encounter na batong ipupukpok sa ulo mo, eto naman ang librong paulit ulit kang sasampalin sa tindi ng mga salitang isinulat ni Bob Ong. Alam mo yung masakit pero alam mong totoo din naman talaga, hindi mo naman maitatanggi kasi talagang guilty ka sa mga nakapaloob dito. At mapapansin mo na lang na paulit ulit mong binibigkas yung salitang “tama” . Lalo na yung part na tayong mga Pilipino lang yung kahihilig mamuna ng ating kapwa pagdating sa pagsasalita o pagsusulat ng Ingles na lenggwahe – pupunahin na mali yung grammar, (hello!!) para bang napakagagaling magsipagsalitaan ng Ingles, para bang napaka perfect sa mga grammar, oh sige sabihin na nating perfect ka nga pagdating sa pagsusulat at pagsasalita ng Ingles pero hindi naman yun dahilan para punahin mo ang pagkakamali ng kapwa mo pinoy, para ano pa at naging Pilipino ka hindi ba? Sabi nga ng isa kong kaibigan yung mga dayuhan nga kapag sila yung nakakausap niya hindi nila pinupuna yung mga maling grammar na binibigkas o isinusulat ng isang tao, tapos tayong mga pinoy, wagas makapanglait ng grammar. At napansin ko lang din para bang ang kahirapan ay palaging sa gobyerno natin isinisisi, para bang tayong mga taong turo ng turo ay mga walang kasalanan – pero kapag nagawi ka sa mga malls napaka daming tao palage, grabeng magshopping pero naghihirap daw sila ng lagay na yun ha o kaya kahit magcheck ka ng Facebook o sa Instagram Account, makikita mo nalang yung mga post na ebidensya na nakakapag travel sila sa kung saan saan, nakakakain sa mamahaling mga restaurant pero naghihirap daw sila, yung iba nakakabili ng bagong sasakyan bagong mga gadgets pero anong sinsabi? “naghihirap kami dahil sa gobyerno na yan?” hello.. pakiusap lang po, at hayaan ninyo akong ipaalala sa inyo, na ang pagunlad ay nagsisimula sa ating sarili opo tama – ang pagbabago ay nagsisimula sa ating mga sarili, ang pagwawaldas ng pera sa kung saan saan na hindi naman ganoon kaimportante ay simula ng pagaaksaya ng
pera at kahirapan ang kasunod lalo na kung walang Disiplina.
Bakit Baliktad Magbasa Ng Libro Ang Mga Pilipino? (Mga Kwentong Barbero ni Bob Ong) ay isinulat ni Bob Ong, upang imulat ang mga Pilipino sa mga katotohanan na karaniwang nangyayari sa ating bansa, at bubuksan niya ang iyong mga mata na ang pagiging isang Pilipino ay hindi mortal sin, bagkus ipinalam pa niya sa pamamagitan ng librong ito na ang pagiging isang Pilipino ay dapat na ipagmalaki sa buong mundo. At bilang isang Pilipino, marapat lamang na ipagmalaki natin ang ating bansa at ang mga likas yaman na itinatago nito, yung ganda nito, kung kaya’t pati mismo mga dayuhan ay pumupunta dito upang kanilang makita at maranasan ng personal yung ganda ng Pilipinas. At kung Mapapansin natin na may iba’t – ibang lahi na din ang dumadayo pa sa ating bansa upang dito mag-aral, at yung iba ay upnag manirahan na ng permanente. Matapang kang hahamunin ng librong ito, sa kwentong barbero ni Bob Ong sigurado maaaliw ka – ang totoo hindi naman talaga barbero ang mga kwentong nakapaloob dito, makatotohanan at sabihin mo nalang na hango ito sa totoong buhay nating mga Pilipino.

Marami ang may ayaw sa Pilipinas, pero walang nagtatanong kung gusto ba sila ng Pilipinas

3 bituin para sa librong ito.

Bata, Bata… Pa’no Ka Ginawa? ni Lualhati Bautista

bbpkg

Unang beses na nagkrus ang landas namin ng librong ito ay noong  hayskul pa ako, ang totoo yung mga ganitong uri ng mga libro ay talagang palaging present sa eskwelahan lalo na sa hayskul. Dahil ang usong proyekto para sa mga estudyante noon ay ang pag gawa ng tinatawag na “Suring Basa” at yung pagbubuod ng isang libro. At ngayong ako ay nagtatrabaho na ninais kong muling pasukin ang komplikado ngunit makulay na mundo ni Lea Bustamante. Siya ay isang Ina sa kanyang dalawang anak (isang babae at isang lalaki)-magisa niyang tinataguyod ang dalawang anak “single mom” ika nga, isa siyang Asawa sa dalawang lalaki kapwa iniwan silang magiina, at kapwa din nagkaroon ng panibagong asawa, isa siyang mamamayan – bilang isang Pilipino na nabubuhay sa panahon ng Martial Law – siya ay kabilang sa isang samahan na pangkarapatang pantao – sumali siya sa ganitong samahan sapagkat bilang isang mamamayang Pilipino siya ay may paniniwala na importanteng ipaglaban ng isang tao ang kanyang karapatan, at higit sa lahat isa siyang babae – babaeng may damdamin at pusong nasasaktan, babaeng marunong matakot at babaeng marunong magalit at may hangganan ang pagtitimpi.

Bata, Bata… Pa’no Ka Ginawa? ay isinulat ni Lualhati Bautista, ay nagpapahayag ng ibat-ibang papel ng isang babae sa loob at labas ng isang pamilya, at ng isang bansa. Inilahad dito na ang pagiging “single mom” ay isang papel na hindi madali,  lalo na kung higit pa sa isa ang iyong anak na itinataguyod, hindi rin madali ang sagutin ang bawat katanungan ng iyong mga anak, ang pagdidisiplina ay isa ding hamon para sa kanila, sapagkat ang paraan ng pagdidisiplina ng isang lalaki sa isang babae ay magkaiba. Isang makabuluhang paraan ang ginawa ni Lualhati Bautista ng ipakita niya sa pamamagitan ng pagsulat ng nobelang ito, na ang bawat kababaihan sa ating bansa ay hindi pambahay lamang na sunud sunuran sa kanilang mga asawa, ginagawa ang bawat gawaing bahay, at inaalagaan ang mga anak. Sa halip sa istoryang ito ipinakita niya na ang babae ay may karapatang magtrabaho, maging laman ng lansangan para ipaglaban ang kanyang karapatan bilang isang tao, at ipakitang hindi siya maaring kayan- kayanin ninuman. Kumbaga sa istoryang ito ang isang babae ay dapat na malaya sa lahat ng bagay at sa kanyang desisyon – katulad sa kung papaano pinalaki ni Lea Bustamante ang kanyang anak, ang magkaroon sila ng kalayaang mamili ng gusto nila at magpasiya  para sa kanilang mga sarili. Ako bilang isang dalaga ikinatuwa ko ang pagkakasulat ng nobelang ito, sari-saring emosyon ang nakapaloob sa lirong ito at ganun din ang mararamdaman ng isang mambabasa nito (iyak-tawa). Maaari kong sabihin na ito ay para sa mga kababaihan, maaari din sa mga piling kalalakihan – pili kasi may posibilidad na maoffend ang lalaking babasa nito – kung kaya hinihikayat ko ang mga kalalakihang babasa nito na maging bukas ang kanilang isipan sa nilalaman ng librong ito.

Tama na sa akin ‘yung maligaya ako paminsan-minsan. Para kapag malungkot ako, masasabi ko sa sarili ko: Minsan naman, maligaya rin ako.

5 bituin para sa librong ito

‘GAPÔ (at isang puting Pilipino, sa mundo ng mga Amerikanong kulay brown) ni Lualhati Bautista

GAPO

Ang “Gapo” ay hango sa salitang Olongapo na isang lugar dito sa Pilipinas. Kung matatandaan, ayon sa ating kaysayan, ang Subic Bay na parte ng Olongapo ay ginamit ng mga Espanyol at mga Amerikano bilang Naval port sa matagal na panahon. Nang makamit ang kalayaan ng Pilipinas noong 1946, ang Olongapo ay nanatili bilang US Naval Base. Sa RP-US Military Bases Agreement noong 1947, binigyang karapatan ang US na manatili ng 99 taon at gawing US Naval Base ang parte ng Olongapo at Subic. Ang Olongapo din ang bumago sa buhay ng mga Pilipinang nakatira dito, dahil sa dami ng mga Amerikanong pansamantalang dito nanirahan, nagkaroon ng prostitusyon sa lugar na ito. Dahil na rin sa kahirapan ng buhay sa panahong iyon, pikit matang ibinigay ng mga naggagandahang Pilipina (exotic beauty ika nga) ang kanilang sarili sa kamay ng mga dayuhang uhaw at gutom sa makamundong pagnanasa, kahit ang kapalit nito ay pera na siyang pantawid gutom ng kanilang pamilya, pambayad utang at iba pa.
Ang ‘GAPÔ (at isang puting Pilipino, sa mundo ng mga Amerikanong kulay brown), ang siyang nagpakilala sa akin sa apat na magkakaibigang pinaglaruan ang kapalaran sa lugar ng Olongapo noong panahon ng mga Amerikano. Ang pagkakasulat ni Lualhati Bautista ng librong ito ay isang matapang na pagsisiwalat sa kung paanong ginamit ng mga dayuhang Amerikano ang kanilang kapangyarihan dito pa mismo sa ating bansa, upang mapasailalim ang mga Pilipino. Ang bawat tauhan sa kwento ay binigyan niya ng sariling tapang na naangko sa kanilang karakter upang makamit ang kalayaang inaasam at labanan ang bagay na hindi na nila kayang masaksihan. Nakilala ko dito ang isang binatang blondeng diyos na si Mike, kung saan ang kanyang ina ay kabilang sa mga babaeng ika nga nila mababa ang lipad, matapos mabuntis ng isang dayuhang Amerikano, na siyang tatay ni Mike, sila ay inbandona nito, at ito ang nagsilbing dahilan kung bakit malaki ang galit niya sa mga Kano. Ang galit na naramdaman ay lalong lumaki ng kanyang masaksihan ang mga naranasan ng kanyang mga kaibigan na sina Modesto – na isang manggagawa sa base militar na sa kabila ng nararanasang pang aapi sa mga Kano ay hindi niya magawang umalis dahil sa laki ng kinikita. At si Ali – isang baklang mapera, na nagkaroon ng isang Amerikanong kasintahan, na kalaunan ay makikilala ni Ali ang tunay na ugali nito.At si Magda – kaibigan ng ina ni Mike na isa ding mababa ang lipad, kung saan siya ding kasamang manirahan sa iisang bahay ni Mike, Si Magda ay nakakilala ng isang Kano na sa pag aakalang pinakakakaiba sa lahat ngunit matapos siyang mabuntis nito saka nila natuklasan ni Mike ang lihim na itinatago nito ng matagal, na siyang naging dahilan ng hindi na mapigilang bugso ng damdaming ni Mike na nauwi sa hindi magandang resulta.
Sa aking madalas na pagiikot sa mga bookstore palagi ko itong nakikita sa lagayan, nakadisplay at wari bang hinihikayat akong basahin siya, hanggang isang araw nahikayat niya ako. Isa siyang simpleng libro na katulad ng kanyang nilalaman, isang simpleng istorya ngunit may napakalakas na bombang pasabog kapag ito ay iyong inintindi, isinapuso at ipinasok ang iyong sarili sa kanya. I sang malaking pasasalamat sa aking guro noong hayskul ako dahil sa pagpapakilala niya sa aming mga estudyante niya sa manunulat na si Lualhati Bautista. Kung kikilalanin mo siya, isa din siyang simpleng tao, ngunit katulad ng mga istoryang ginawa niya meron din siyang maipagmamalaki. Ang paraan ng pagsulat niya ay mula sa kanyang puso dahil ako bilang nakabasa na ng kanyang mga isinulat, lahat ng iyon ay nangusap sa kalooban ko. Sa bawat pangalan ng mga tauhan mapapansin mong may nakakabit na kahulugan ito ayon na din sa kanilang karakter. Dito sa kwentong ito hinihikayat niya ang mga Pilipinong mambabasa na muling buhayin (huwag nating patayin) ang Nasyonalismo sa diwa ng bawat Pilipino. Detalyadong ipinaintindi ng manunulat na ito ang mga pangyayari noong panahon ng Amerikano at ang karanasan ng bawat Pilipino, mapa babae man o lalaki. Kung mapapansin din natin binigyan din ng buhay ni Lualhati Bautista ang karakter ni Ali bilang isang bakla, ibig sabihin hindi lang mga babae ang inaabuso ng mga dayuhang Amerikano noong panahon na iyon kung hindi pati na din ang mga bakla, mga baklang kung kikilalanin mo silang maigi ay may mga sariling saloobing dinadala, may damdaming kasing lambot ng sa mga babae, sa minsan dahil sa mga nararanasan nila pati sila mismo ay kinakaawaan ang sarili nila, minamaliit ang sariling kakayahan at may pusong kayang magmahal ng higit sa kanilang sarili. Iminulat ng nobelang ito ang pang-aaping ginawang mga Amerikano sa mga Pilipinong walang ibangalam gawin kundi ang sundin lamang sila. Sa kabilang pag-aakala ng mga Pilipinong mabuti silangkaibigan, naipakita dito ang mga naidulot na hindi kanais-nais ng mga kano sa buhay ng mga Pilipino.Kung paano nila dungisan ang pagkatao ng mgaPilipino na akala nilang hindi magbabago atmabubuhay na lamang sa kamangmangan.
Hindi ako titigil sa pagbabasa ng akda ni Lualhati Bautista sapagkat may mga aral na kapupulatan. Aral para sa ating bansa, gobyerno at politika, sa buhay ng tao, sa personal na pinagdadaanan ng bawat tao sa buhay, at mga tao sa ating paligid.

Ke alak, ke gamot. . . pag lagi mong iniinom nagiging manhid ang katawan mo. Katagala’y hindi ka na tinatablan. Totoo ‘yon pati sa kaso ng pagkaapi.

5 bituin para sa librong ito.

Ang Paboritong Libro ni Hudas ni Bob Ong

APLNH (2)

Kapag talaga nahawakan ko na ang isang libro mapa ebook pa yan o papel na libro asahan mong lunod na ako dito, para bang kinuha na ako ng istorya nito (parang superbook-experience) ganoon. At dahil wala akong pasok kapag weekend tulad ngayon, wala akong ibang hawak kung hindi libro, cellphone (ebook), kwaderno at lapis. At eto ako ngayon natutuwang ibahagi sa inyo ang mga librong natapos ko sa loob ng dalawang araw (Sabado at Linggo), isa sa mga ito ay “Ang Paboritong Aklat ni Hudas” na isinulat ni Bob Ong. Pinasok ko ang librong ito na hindi ko alam kung saan ako dinala, ang alam ko lang may dalawang naguusap – tao ba ito o kaluluwa, marami silang kuro-kuro o tanong sa bawat isa, tungkol sa Diyos. Sa aking pagbabasa ako ay naengganyo at aking napansin na ang librong ito ay nahahati sa pitong Kabanata na sa una ay kumunot ang aking noo, dahil aakalain mong Latin ang titulo ng bawat kabanata, yun pala ang bawat kabanata ay tumutukoy sa “pitong kasalanan” (Seven Deadly Sins). Bakit ko nasabing akala ko ay Latin, eh kasi naman ang ginawang paraan ni Bob Ong sa pagsulat nito ay “halo-halong letra” (jumbled letters), at para maintindihan niyo ako eto ang titulo ng bawat kabanatang tinutukoy ko isasama ko na din yung tamang salita na nauukol dito; Veny (Envy), Geran (Anger), Depir (Pride), Ventocoseuss (Covetousness), Tuls (Slut), Gynottul (Gluttony), at Holts (Sloth). Sa mga nabanggit ko nabigyan ko na marahil kayo ng ideya na ang librong ito ay tumutukoy sa mga kasalanang ito. Sa mga nakabasa na ng mga librong isinulat ni Bob Ong, masasabi kong pinaka kakaiba ito sa lahat, bakit?Una, ang mga nauna niyang libro ay pawang mga tumutukoy sa eskwelahan, pamayanan at politika, samantalang ang librong ito at tumutukoy sa pananampalataya natin sa Diyos, sa mga nilikha ng Diyos at sa Diyos. Napansin ko na lang na hindi ako naboboringan sa librong ito, natutuwa ako sa nakapaloob dito, isama ko pa yung mga personal na kwento ng buhay ni Bob Ong na konektado sa titulo ng bawat kabanata. Nakakawili at talagang maraming kapupulutang aral akong nakuha sa librong ito. Para kay Bob Ong, isa ka pa ding misteryo sa aming mga mambabasa mo, pero sa pamamagitan ng iyong mga libro, binubuksan mo ang aming kaalaman sa ibat ibang bagay na tumutukoy sa ating bansa, at dito sa librong ito hinayaan mong ibahagi sa amin yung kung sino tayong mga tao para sa Diyos, at kung bakit may mga taong hindi naniniwala sa Diyos, idagdag ko pa yung tungkol sa relasyon ng bawat tao sa Diyos at kung bakit sa tuwing may masamang ngyayari sa buhay ng bawat tao dumarating sa puntong sinisisi natin ang Diyos (samantalang sa personal kong opinyon ang pagsisi sa Diyos ay hindi tama, sapagkat hindi ginusto ng Diyos na may masamang mangyari sa kanyang mga anak – basta ang alam ko.. Mahal na mahal niya tayo). At sa pagtatapos ng aklat na ito, naging maliwanag na ang lahat sa akin yung hindi ko malaman na kung tao ba o kaluluwang naguusap sa librong ito, (sa wakas naliwanagan ako)ito pala ay tumutukoy sa mambabasa ng librong ito at sa Diyos (opo tama, komunikasyon ito sa pagitan Ko at ng Diyos). Napakatalinong pagtatapos ang naisip mo Bob Ong, binigyan mo ako ng dahilan para isipin ang bawat laman ng iyong librong isinulat, mga katotohanang bagay na ipinaintindi mo sa akin. Muli para ito sa mga marunong ng magbasa.

Hindi dahil sa hindi mo naiintindihan ang isang bagay ay kasinungalingan na ito. At hindi lahat ng kaya mong intindihin ay katotohanan.

5 bituin para sa librong ito.

ABNKKBSNPLAKo ni Bob Ong

ABA (2)

Dahil tagalog itong binasa ko, sa palagay ko dapat lang din na tagalog ang gawin kong pagsusuri sa librong nabasa ko (pero gagamit po ako ng term na english kasi hindi ko maexpress (tulad niyan) sa tagalog na salita. Humihingi po ako ng paumanhin sa mga dayuhang maliligaw o magtatangkang basahin ang blog kong ito, lalo na po sa mga sumusubaybay sa blog na ito (pilingera lang ang peg, kala mo naman maraming sumusubaybay).
ABNKKBSNPLAKo?! (Mga Kwentong Chalk ni Bob Ong), ikalawang taon ko sa hayskul noon, nang mailathala ang aklat na ito. Pero hindi ko pa kilala itong aklat na ito noon, hindi din naman kasi ako nagpupunta sa mga mall noon, o sa kahit saang bookstore noon, unang una ang baon ko noon ay singkwenta pesos lang (aba! totoo po ito ha, kung paano ko napagkakasya, hindi ko din po maisip), ang libro na ginagamit sa eskwelahan? humihiram po ako sa ibang kaibigan ko na meron, nagpapaphotocopy po ko (dati yung term paxerox, eh itinama ng isa kong professor nung kolehiyo yung salitang ginamit namin, ang xerox daw kasi yun daw yung machine, tapos yung tawag dun sa finish product nun photocopy – hindi ko lam kung tama pero sumunod na lang kami sa kanya, hanggang ngayon yun yung ginagamit ko), saka hindi ko pa hilig magbasa noon ng mga ganitong klaseng tema ng libro (mga pinoy pocketbook nagbabasa ako noon uso kasi nung hayskul yun, basta ba PHR). Nakilala ko lang itong librong ito nung unang taon ko sa kolehiyo kasi yung ibang klasmeyt ko noon mahihilig magbasa, yung isang naging tropa ko mahilig din magbasa kaya sa kanya ko ito nakita. Nacurious ako sa titulo, eh sino ba naman ang hindi kaw ba naman makita to ABNKKBSNPLAKo?!, unang basa ko (pero sa isip ko lang) ey-bi-en-key-key… pero ang dulo AKo??!!, teka, Aha!! ABANAKAKABASANAPALAAko, eh ayun naman pala yun. Tinanong ko yung tropa ko kung tungkol saan yung storya, ang sabi nya lang basta basahin ko, papahiram niya sa akin pagtapos niya. Pagkatapos kong mabasa sa unang pagkakataon, para sa akin ayos lang yung storya, maganda naman, nakakatawa, pero hindi ko na-appreciate yung kahulugan o gustong ipaunawa nung sumulat sa kanyang mambabasa (ibig sabihin hindi ko sya initindi, binasa ko lang siya). At ngayong buwan nagbalak akong basahin ang lahat ng aklat na isinulat ni Bob Ong (kung may movie marathon, meron naman akong tinatawag na Bob Ong Marathon). At ngayon ko naintindihan na ang librong ito ay tungkol sa buhay mismo ng manunulat na si Bob Ong, mula nung siya ay elementarya hanggang sa maging isang guro na siya. Ang pagkukwento ng manunulat na ito ay talagang makatotohanan, para bang iniinterview ko sya, nakikinig lang ako sa mga sinasabi niya. Dito yung natatawa ako sa kwento niya nung siya ay nasa elementarya pa lamang – yung mga kakulitan noon – mga karanasang naisip kong napagdaanan ko din noong nasa elementarya ako, yung pati yung insidenteng ang titser ay nambabato ng eraser ng blackboard, yung mga katanungan na bakit ba tinawag na blackboard eh, hindi naman black ang kulay nun kundi green, tama naman di ba. Hanggang sa pagtungtong niya ng hayskul, yung mga kalokohan kasama yung mga kaibigan niya, hanggang sa mahihirap at nakakabaliw na mundo ng kolehiyo, pati yung first love niya, nagawa din niyang ishare sa akin (wow, close kami). Ang galing ni Bob Ong sa paraan niya ng pagsulat ng librong ito, dahil bukod sa naaliw ko sa bawat salitang ginamit niya, hindi ko din maiwasang balikan yung mga karanasan ko noong kabataan ko (akala mo naman matanda na kung makapagsalita ng “kabataan ko”) na natutulad at may mga pagkakataong eksakto sa sinabi nung manunulat. Ang isa pang pinaintindi niya sa akin sa librong ito ay ang side ng mga guro/titser, dahil ang manunulat ay isang titser, pinaalam niya sa akin na hindi din talaga madali ang maging pangalawang magulang ng bawat estudyante sa paaralan, lalo na hindi lang isa ang tinuturuan nila sa isang classroom maswerte na kung sa pribadong paaralan nagtuturo ng isang guro dahil 30 hanggang 35 lang ang hinahawakan nilang estudyante, paano pa kaya yung mga guro sa pampublikong paaralan ang hinahawakan nila ay 60 hanggang 80 na estudyante (hindi biro di ba). Isa lang silang magsasalita sa harapan para maturuan ng magandang asal at mabigyan ng kaalaman ang bawat ganoong karaming estudyante ng sa ganun magkaroon sila ng magandang kinabukasan. Binuksan ni Bob Ong yung kamalayan ko sa pagdating sa edukasyon, oo nga kumpleto at magaganda ang libro mo,bago palagi ang mga gamit mo, ang tanong may natutunan ka ba sa pagaaral mo? Iginalang mo ba naman ang iyong mga guro paaralan at ang mga kaklase mo? Dito naging malinaw ang lahat sa akin, yung pinaghirapan ko nung isa pa akong estudyante, yung pagtitiis ko na hindi ako nakakasama sa galaan ng mga tropa ko dahil wala akong sapat na pera, yung paghihirap at pagpupuyat at minsan walang tulog halos dahil sa mga proyekto sa paaralan at thesis noong kolehiyo, sobrang sulit ngayon dahil bukod sa trabahong maganda, nabibili ko yung gusto ko ng hindi na humihingi sa magulang ko, naipapasyal ko pa yung mg kapatid ko at yung mama ko, nakakatulong din ako sa kanila. At sobrang saya lang dahil yung hirap ng mga magulang ko nauwi sa maayos, yung pangarap nila para sa akin, natupad.
Para kay Bob Ong, sobrang lalim ng kahulugan ng librong ito, ang galing mo. Para ito sa lahat ng babae, lalaki, estudyante, guro, nagtatrabaho, mga magulang, as in para sa lahat.

Nalaman kong habang lumalaki ka, maraming beses kang madadapa. Bumangon ka man ulit o hindi, magpapatuloy ang buhay, iikot ang mundo at mauubos ang oras.

5 bituin para sa librong ito

Late?! Aba Matinde!

time is running out..late..late..late..

time is running out..late..late..late..

Page 7 of 365 … 3 minutes late

Page 8 of 365 … 1 minutes late

Page 9 of 365 … 3 minutes late

So, for this week I have a total of 7 minutes late for the record.. Pang Guinness Book of World Record na ba to for the late comers? Kapapasok pa lang ng 2015 and panget na agad ng record ko. Magandang ehemplo ba ako? Warning: Huwag niyo akong gayahin.

Valid reason ba yung nalate ako today dahil kagabi, hindi ako nakatulog as in I really tried so hard to fall asleep but I failed. I’ve done everything, pumikit at hindi gumalaw sa loob ng tatlong minuto, nagbilang ng tupa, aso, kalabaw, langgam, gagamba na nasa may ceiling namin, lahat na ng hayop binilang ko, pero wala pa ding epekto. Nag inhale, exhale na ako para marelax, etc, etc. Lahat yun hindi umepekto, I was this OMG! Lalo na ng nakita kong it’s 2:00 am in the morning, tapos wala atang planong matulog ng diwa ko. Until I have decided na magbasa na lang, tutal naman may uumpisahan naman talaga akong basahin na book, ahhh, hindi pala uumpisahan, uulitin kong basahin atleast bago ko mapanood yung movie version niya gusto kong basahin siya ulit at makilala at makasama ulit si Christian Grey, yeah.. you heard it… oooppppsss… you read it right, and you guessed it right its Fifty Shades of Grey. But after 30 minutes my eyes got teary, because of tiredness and I was this ohh yesss! Atlast I can sleep na, and when I close my eyes to sleep, tik tok tik tok tik tok..one more time, tik tok tik tok tik tok.. checking my phone.. it’s 2:50am,. Nakatulog na ba ako? o kahit idlip man lang,sad to say, hindi pa din, And then bumangon na ako, grab may phone and played Candy Crush Soda Saga, Candy Shoots and Dumb Ways to Die 2. Until I decided not to sleep.. ang kaso kung kailan naman yun na yung desisyon ko, I felt that my eyes and body wants to shut down. As in hala!! anu ba naman to, kung kelan 4:00 am na, and I need to wake up at 6:00 am. I am the type of person na 2 hours of sleep is not enough, kasi when I sleep derederecho yung hindi ako aware sa oras na mahaba na pala yung tulog ko. But I slept, and to my surprised, my sister woke me up, telling me. “Ate, 7:45 na” at ang response ko pa..”weh?!”, then I checked my phone, bangon ako bigla. Take note, nagawa ko pang magligpit ng higaan, samantalang 8:00 ang pasok ko sa office, hilamos, brush, bihis, hindi na nagsuklay ng buhok, just messy bun lang and then.. go..pasok sa work kahit mukhang bagong gising, wala nang ligo ligo, malamig naman ang panahon, I don’t care, besides cowboy naman ako. But I know late din naman ako, mapagalitan na kung mapagalitan after nilang ang madungis kong record for this month. Basta ang importante pumasok ako, mas okay na ang pumasok sa work ng late at naging productive ang araw ko kesa naman sa absent at nakatunganga lang sa bahay, kahit may bawas kaunti sa sahod okay lang, huwag lang yung isang buong araw na sahod ang mawala. Sa kabila ng lahat, Smile pa din and Let God do the rest. Cheers! =D